Connecting Dream to Reality
Kwento ng aming pagbabago sa paraan ng pag-explore ng mga dayuhang turista sa Japan—isa-isang koneksyon sa bawat hakbang.
Ang Hamon na Nagpasimula ng Lahat
Isipin mo 'to: kakalapag mo lang sa Narita Airport, excited ka na sa unang pagbisita mo sa Japan. Pero biglang na-realize mo… paano ka nga ba mananatiling konektado? Paano mo malalampasan ang nakakalitong train system, mahanap ang mga secret spots ng locals, o simpleng makahingi ng tulong kapag naligaw ka dahil sa language barrier?
Noong 2012, hinarap ng mga dayuhang biyahero ang nakakainis na digital divide. Ang mobile connectivity ay sobrang mahal, hindi maaasahan, o minsan ay wala talaga para sa mga panandaliang bisita. Ginagawa ng language barrier na halos imposibleng matapos ang simpleng gawain. Nakita namin kung paano nahihirapan ang napakaraming biyahero sa mga pangunahing pangangailangan sa koneksyon na dapat ay madali lang.
Alam namin, na may mas mabuting paraan na naghihintay.
The Moment
"Bakit parang ang hirap manatiling konektado kapag nag-e-explore sa Japan? Lahat ng biyahero ay nararapat na maging konektado sa mga taong at bagay na mahalaga sa kanila."
Building Bridges, Not Barriers
Our Mission
Para matangal ang connectivity gap—para maranasan mo ang tunay na Japan.
Hindi lang namin nakita ang isang oportunidad sa negosyo— nakita namin ang pagkakataong baguhin ang paraan ng paglalakbay. Inimagine namin ang isang Japan kung saan naglalaho ang language barrier, kung saan ang maligaw ay nagiging bahagi ng adventure, hindi ng kaba, at kung saan bawat biyahero ay may lakas ng loob at kumpiyansa upang mag-explore nang malaya.
"Nagsimula ito sa isang simpleng pero makapangyarihang paniniwala: ang koneksyon ay hindi dapat maging luho—kundi isang tulay patungo sa pagtuklas ng kultura, kaligtasan, at makabuluhang ugnayan."
Mula pa sa simula, hindi lang namin layunin ang magbigay ng internet. Pinagsikapan naming intindihin ang mga hamon na nararanasan ng mga dayuhang bisita, at lumikha ng mga solusyong tunay na makakatulong sa kanilang paglalakbay sa Japan
A Journey of Trust and Growth
Mula sa simpleng layunin na solusyonan ang mga hamon sa koneksyon, lumago kami tungo sa isang kahanga-hangang kwento—patunay ng tiwala at kumpiyansa ng mga biyahero sa amin.
1,600,000
Travelers Connected Since 2012
13+
Years of Reliable Service
Public
Listed Company You Can Trust
24/7
Support in Multiple Languages
Our Promise to Every Traveler
Hindi lang kami tungkol sa koneksyon—kami ay tungkol sa kumpiyansa. Bawat device at serbisyong inaalok namin ay dinisenyo para matiyak na ang paglalakbay mo sa Japan ay magiging eksakto kung paano mo ito pinangarap.
Ngayon, bilang isang publicly listed na kumpanya, dala pa rin namin ang parehong passion na nagtulak sa aming mga nagtatag mahigit isang dekada na ang nakalipas. Hindi lang kami negosyo ng wireless connectivity—kami ay negosyo na nagdadala ng pangarap sa abot ng kamay.
Kahit ikaw man ay unang bumisita sa Tokyo at kinakabahang mag-navigate sa malawak na lungsod, isang business traveler na kailangan ng maaasahang koneksyon para sa mahahalagang tawag, o adventure seeker na naglalakbay sa mga kakaibang lugar, nandito kami para siguraduhin na ang teknolohiya ay magiging katuwang mo sa paglalakbay, hindi hadlang.
Dahil sa Japan, bawat sandali ay mahalaga. At bawat sandali ay dapat konektado.
Contact Us
If you have any inquiries, please feel free to ask us!
Contact